header image
 

bakit kaya ganun…

bakit kaya ganun?
magmamahal ka pero masasaktan ka pa rin…
hindi ba pwedeng magmahal na lang at wag masaktan???
bakit pilit nating ikinukubli ang mga nararamdaman naten sa iba…
kahit na ang iba ay naghahangad pala ng pagmamahal at hinihintay ka lang magpakita…
bakit sa tuwing iisipin kong sana akin ka na lang, pinangungunahan ako ng takot na baka mahal mo pa ay ang iba…
bakit gustuhin ko mang magmahalin ka ng buo, lagi na lang kalahati ng pagmamahal ay ang katangahan…
bakit kaya kahit hirap na hirap na ang kalooban ko, pilit pa rin akong bumabangon at patuloy na minamahal ka…
bakit ang pagmamahal ay nagiging masama samantalang ang pagmamahal ang bumubuhay sa buong katauhan ko…
marami naman akong pwedeng mahalin na siguradong mamahalin din ako…
pero ikaw pa rin ang binabalikan ko…
ikaw pa rin hinahanap ng kaluluwa ko…
karapat dapat pa bang mahalin ka?
karapat dapat pa ba akong magmahal?
At kaya ko pa ba kayang magmahal nang ganito sa iba?
Mahahanap ko pa ba kaya ang kasugatang hinahangad mula sa iyo?
Sana…sana nga.

=’c

PS: hindi ito nangagahulugan ng break-up…wala lang…masaya pa ring magdrama…

~ by lestatbabe on August 12, 2008.

Leave a Reply