header image
 

para sa walang kwentang prof ng olfu

Si Mr. all-knowing, may attitude problem,kung sino man siya…TUMAHIMIK SIYA. Hindi siya fortune teller para hulaan yung future namin at lalong-lalo na hindi siya diyos para hawakan at paglaruan kami na parang mga manika. Hindi siya dapat hangaan bilang isang professor dahil wala akong nakikitang traits ng isang professor sa kanya. Wala siyang alam kung hindi magyabang at ipalandakan sa buong fatima community na siya ang pinakamagaling at siya lang ang matalino. At kami? Mga tae lang kami sa paningin niya-walang kwenta,walang alam, HINDI MAGIGING NURSE! Isang malaking sampal sa aming mga estudyante yun! Isipin mo, nag-aaral kami sa mga eskwelahan ng 17 years para lang makuha yung diploma namin at maging ang respetong hinahangad. Dahil alam ng lahat, wala kang karapatan at boses kung wala kang tinapos sa pag-aaral. Tapos sasabihin niya sami yun na tipong sinasabing walang kwenta ang 17 years namin sa pag-aaral, sayang ang tuition fee, sayang lahat ng pagod at paghihirap ng bawat isa. Hindi ito biro. Hindi ito maganda. At kahit sinong estudyante ang tanungin mo, walang masisiyahan. Kasama na sa sampal ang mga magulang namin na para bang sinasabing, walang patutunguhan ang perang pinaghihirapan nila para sa pag-aaral namin. Wala siyang karapatang sirain ang mga pangarap ng bawat isa. Hindi siya dapat magpaimportante. Kung may problema siya, isaboy niya masama niyang binhi sa kuweba, wag sa eskwelahan. Sana wala na lang kaming prof sa subject na yun. At kahit kelan, HINDI SIYA MAGIGING MASAYA SA PAGTUTURO NIYA! DAHIL WALA!WALA SIYANG PUSO!
~anonymous

~ by lestatbabe on July 18, 2008.

Leave a Reply